Di ko akalain na matutuloy ung pagkikita nmin ni Alona. Di ko talaga inaasahan. Nang matapos ung klase nmin, lab yun. Di muna kami umalis, naghintay kami ng ilang oras. Tapos nung mejo pumapayag na si Alona na makipagkita, naghintay kami nila Keb at Ed. Nung una, dapat kasama si Karen kaso gabi na nun kaya nag-aalangan siya kaya umuwi na lang din siya.
Naiwan kami nila Ed maghintay. Galit ako kay Keb kaya di kami nag-uusap. Halos magdadalawang oras din kaming naghintay kasi maaga kaming nakalabas. ng lab. Kinukutuban na ko na baka sumakay naman siya agad-agad. Nagkatotoo nga, ang engot ko kasi di ko tinanong kung san room niya haha. Sabi ko susunod ako sa sm, ayaw pang pumayag nung una pero salamat sa payong niya at pumayag din siya. Naiwan niya kasi yun kaso wala na sa room nila.
Parang sinasadya ata, wala ng dumadaan na SM na jeep. Nakipagsiksikan na kami nung may dumaan na jeep. Mejo nahiya na daw si Alona kaya hihintayin na niya kami sa NBS. Habang nasa jeep, nag-iisip na ko kung ano yung sasabihin ko sa kanya. Nung nakita ko na siya, di maalis yung ngiti ko. Kiligmats lang hehe
Ipapakilala ko sana siya kila Ed kaso ayaw niya. Di rin kasi ako ganun sa totoo lang pero mejo nagbabago na ko. Tinanong ko kung san kami kakain, tinuro ko yung Jollibee pero ayaw niya. Choosy di ba haha. Trip niya magKFC kami kaya ayun diretso na kami dun. Sila Ed nasa likod lang. Binibigyan ako ng chance na makausap siya. Ang swerte ko sa kanila di ba :)
Nagtalo muna kami kung ano yung kakainin niya. Mejo matagal magdesisyon kasi wala dun yung paborito niyang spag with fries. Buti di nagdagdag ng kakainin kasi mejo kulang yung dala ko haha.
Habang kumakaen nagkukwentuhan na. Di siya awkward. Kaya mejo gumaan na pakiramdam ko. Gustong-gusto ko siya titigan. Minsan napapatingin ako sa labi niya. May bigote pala siya. Balbon.. Nakakainis din yung mata niya. Ang ganda eh kahit may contacts siya. Nagkakabiruan na din kami. Nung pauwi na, paglabas ng KFC parang gusto niyal ako hawakan pero yung siko yung ginamit niya ahaha xD
Hinatid namin siya sa may entrance at yun. Naglakad na ko pauwi kasi wala na talaga akong pera haha. Nagtxt na din ako, muntik pa kong mayare kasi kala niya tinarashtalk ko siya pero nakabawi din agad.
Kiligmats di ba hehe at nakatulog na din ako ng maayos. Inaatake kasi ako ng insomnia kaya salamat talaga kay crush.
Posted via Blogaway

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento